May 6, 2017
8-Tuburan
Pagsusuri ng Florante at Laura
ni Franzene Margarette Caso
Ang akdang Florante at Laura ay ginawa ni Francisco Balagtas o kilala rin sa palayaw na Kiko sa panahon ng pagsakop ng mga Kastila sa Pilipinas. Sa akdang ito, gumamit siya ng iba’t-ibang himagsik. Isa sa mga himagsik na iyon ay ang himagsik laban sa malupit na pamahalaan. Maaalala natin na ang mga Kastila ay malupit sa pamamalakad nila dito noong sinakop nila ang Pilipinas. Isa iyon sa mga naging basehan ni Francisco para maisulat ang Florante at Laura. Sa panahong iyon, hindi pantay ang mga karapatan ng Pilipino. May mga saloobin si Balagtas na hindi niya kayang ilathala sa lahat dahil isang maling salita o gawa niya lang ay may katumbas iyon na kalalabasan kaya ang Florante at Laura ay ang kanyang naging paraan para masabi ang kanyang mga opinyon at ang mga nangyayari sa panahong iyon.
Ngayon, dumako tayo sa himagsik na tatalakayin natin. Ito ay ang himagsik laban sa malupit na pamahalaan. Gaya ng sinabi ko kanina, hindi pantay ang karapatan nga mga tao noon.
Masama ang pamamalakad ng pamahalaan at ang pagmamaltrato ng mga Kastila ay halimbawa ng malupit na pamahalaan. Ginamit ng mga Kastila ang kanilang kapangyarihan upang tayo ay mapapailalim at maging sunod-sunuran sa kanila.
Kung nabasa niyo ang Florante ay makikita niyo doon ang mga sitwasyon na nagpapakita ng malupitang pamamahala. Isang halimbawa ay yung pagsugod at pagsakop ni Adolfo sa Albanya at ang ginawa niyang masama kina Haring Linceo at Duke Briseo. Isama mo na rin ang ginawa niyang pagtali kay Florante sa gubat. Isa itong halimbawa ng pagmamaltrato at hindi pantay na karapatan. Dahil sa ginawa ni Adolfo, ang Albanya ay naging lugar ng kasinungalingan at kataksilan.
Noong tayo ay sinakop din ng mga Kastila, hindi tayo naging malaya. Naging sunod-sunuran tayo at ang lugar natin ay pinuno nila ng kasinungalingan. Ang Albanya ay isang representasyon ng Pilipinas, si Adolfo ay ang Kastila at ang mga mamamayan ng Albanya ay ang mga Pilipino,
Ang malupitang pamamahala ay hindi lang nangyari noon kundi hanggang ngayon ay nangyayari pa rin. Alam natin na ang gobyerno ngayon ay korap at madaming namamahala ang mga may hinding magandang intensyon. Sana, sa lumilipas na araw ay magbabago na ang kanilang ugaling ito.
napakasama talaga ni Adolfo
ReplyDeletesalamat sa impormasyon kaibigan
Magaling!
ReplyDeleteMagaling kaibigan!
ReplyDeleteMahusay!
ReplyDeleteMAHUSAY
ReplyDeleteNapakadetalyado😊😊
ReplyDeleteMahusay 😊😊
ReplyDeleteMaganda ang pag-uugnay ng mga nangyari sa kuwento sa paraan ng pananakop noong panahon ng Kastila. 👏🏻
ReplyDelete